Mas maging madali na ngayon ang byahe mula sa Central part ng Iloilo at Probinsiya ng Capiz papuntang Probinsiya ng Antique sa pamamagitan nga Panay East-West Lateral Road na kasalukuyang ginagawa mula sa bayan ng Valderrama, Probinsiya ng Antique hanggang sa bayan ng Lambunao, Probinsiya ng Iloilo.
Ang naturang proyekto ay sinimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) noong taong 2017 na tinatayang magtatapos sa taong 2020. Ito ay may kabuoang budget allocation na P2.6 billion. Ang naturang kalsada ay may lapad na 20-metro at habang 41-kilometro na mayroong tulay at slope protection. Ang naturang proyekto ay dadaan sa mga liblib na lugar gaya ng sikat na Antique Rice Terraces at Tinagong Dagat ng Lambunao Iloilo na aabot sa lima hanggang anim na oras kung lalakarin.
Kasama sa nasabing proyekto ang initial na budget na nagkakahala ng P760 milyon noong taong 2017 na ginamit sa pagbukas ng 28 kilometrong Bugasong-Valderrama Road Section in Antique at Lambunao-Inca Road Section in Iloilo na may 13 kilometro. Ito ay may karagdagang pundo na nagkakahalaga ng P150 milyon at P145 milyon sa taong 2018 sa bawat bahagi ng kalsada ng dalawang probinsiya.
Bukod sa mapapadali ang travel sa dalawang probinsiya, ang kalsadang ito ay magbigay daan sa mga baranggay sa kalagitnaang bundok ng dalawang probinsiya upang magkaroon ang mga ito ng madaling access sa edukasyon at medical na pangangailangan. Bukod pa rito, ito ay makakatulong din upang mas mapadali ang pag angkat ng mga produktong pang agrikultura ng mga naturang baranggay. Inaasahan din na mapapalago ng Panay East-West Lateral Road ang turismo sa mga lugar na dadanan nito.
Leave a comment